http://25.media.tumblr.com/7f8c52b8deec2b0e24709fcd21a7918c/tumblr_lxu4fj6H9z1qaf7juo1_r11_500.gif
photos

Say hi to Super de Guzman — My new baby hihi. Nakuha ko siya noong December 24, 2013, a day before Christmas. Inampon ko siya sa isang pug breeder na nakilala ko sa Sulit.com.ph dahil halos mamamatay na siya at hindi na naaasikaso. At dahil mahilig ako sa mga pets, agad akong nakipag meetup para alagaan nalang itong asong to.

Bakit Super ang name niya? Dahil super liit, super bantot, super taba, at higit sa lahat super LIBOG. Oo malibog tong asong to. Kapag nakakakita siya ng kahit anong female dog, kahit hindi niya kalahi eh tinitigasan siya kaagad at dali-dali niyang pinapatungan. Tawa ako nang tawa nung una ko siyang nakita at sabi ko sa sarili ko, magkakasundo kame nito.. THIS IS THE DOG FOR ME.. 

Awa ng Diyos, at dahil na rin sa pagmamahal at pagkalinga namin, nadugtungan ang buhay ng dating nag hihingalong aso na si Super. Ngayon, super healthy na niya at ang kulit kulit. 

Siya na rin ang karamay ko ngayong broken hearted ako. Malamang siya na rin ang ka-date ko sa February 14. Magmomomol nalang kame..