http://25.media.tumblr.com/7f8c52b8deec2b0e24709fcd21a7918c/tumblr_lxu4fj6H9z1qaf7juo1_r11_500.gif
Hurray to me! Sa wakas Dan naka-graduate ka na! Congrats! Batiin niyo ko sabayan mo pa ng kiss sabayan mo pa ng hug ♥

April 18, 2013 — College of Science and Engineering Graduation Rites.. Sinong mag-aakalang makaka-gradute ako? Sa wakas, nakatapos din. Aba ginapang ko kaya yang pag-aaral ko..

image

Halos limang taon din ako sa La Salle at di ako naka-graduate on time dahil nahinto ako sa pag-aaral at nagtrabaho nung 2011.. Ngayon ang saya saya ko kase tapos na lahat ng paghihirap ko. 

image

Siya nga pala si Glenn, ka-thesis mate ko yan at kaibigan mula pa nung 1st year. Ayun, sabay kameng grumaduate! Akalain mong walang iwanan sa tropa? Oy salamat ungas..

Nakaka-miss yung mga panahong nag-iinuman tayo bago mag THESIS DEFENSE, tapos kinabukasan male-late ng gising dahil may hang over. Nakaka-miss yung mga gala at pagdadrama sa Tagaytay, yung pagsusuka natin pag sabog na, at yung mga job hunting sa Makati. Nakaka-miss yung mga panahong nag-aaway tayo dahil sa iisang babae, at nagkagalit pa. Muntik nang hindi matapos ang thesis natin. AY TEKA? DI PA NGA PALA TAPOS ANG THESIS NATIN PUTA! HAHAHA! 

image

Salamat din kila Danica at sa mga ireg kong tropa. Dahil sa inyo kaya naging makulay ang college life ko. 

image

Salamat Jorel, OO SPECIAL MENTION KA BRAD BWAHAHAHA! kahit wala kang picture dito, gusto kitang i-bida.. Ang dami kong natutunan sayo, salamat sa mga kalokohan natin lalung lalo na nung napasama tayo sa BLIND DATE!

Salamat Chelle at Maia! Pinakilig niyo ko last sem, I love you both.. Salamat din sa lahat ng mga nakilala ko nung mga panahong ireg ako, MAHAL KO KAYO..

image

At matapos ang dramahan at pag-marcha sa stage, dumirecho kame nila ermats kasama ng mga kapatid ko sa SM Dasmariñas para mag-foodtrip. Syempre dapat lang i-celebrate yan! Ako kase ang panganay, at ang kauna-unahang nakapag-tapos sa pamilya kaya dapat lang na may handa kahit papano.

image

Umorder kame ng Sisig, Grilled Squid, Tahong Ala pobre, at Sizzling Balut.. Shet sira ang diet.

image

image

Nga pala, higit sa lahat, salamat sa Diyos sa lahat ng biyayang pinagkaloob niya saken at sa mga mahal ko sa buhay. Hi God, utang ko sayo ang lahat. Galing galing mo talaga hihi..