http://25.media.tumblr.com/7f8c52b8deec2b0e24709fcd21a7918c/tumblr_lxu4fj6H9z1qaf7juo1_r11_500.gif
Healthy Grounds Cafe — The coffee lovers haven!

Located along Emilio Aguinaldo Hi-way, near Robinson’s Place Imus, Healthy Grounds Cafe is a perfect spot to chill out!

image

First time kong binisita ang stall nila, and I could definitely say na ang ganda ng ambiance pagpasok mo sa loob. Cute at cozy ang lugar kaya masarap tambayan. Swak para sa mga nagde-date, magkakatropa, o kaya sa mga nagsesenti mag-isa hihi..

image

Hapon na sila nagbubukas, mga bandang 2pm hanggang madaling araw ng ala-una. Malawak ang variety ng coffee specialties nila at merong choices mula sa hot and cold drinks, meron din silang pica-pica at side dishes..

image

Inorder namin yung Coffee Frappe + Chili Fries + Fish and Chips.. At napa-wow ako sa Chili Fries nila! Ang sarap ng cheddar sauce, sinamahan pa ng fresh jalapenos at chili con carne! Sa sobrang sarap, tipong babalik-balikan mo kapag natikman mo.. YUM YUM YUM!

image

Sinubukan din namin yung refresher drinks nila — Blue Coracao && Watermelon Italian Iced-Tea.

image

For my fellow Imuseños and Caviteños, you should definitely give this a try!